“Kung ikaw ako, ano gagawin mo?”

^ favorite line ng friend ko na si Shairell.

Everytime na maguusap kami at may problema siya, kapag hindi siya makapagdecide, laging yan ang itatanong niya sa akin. Minsan hindi ko alam ang isasagot, kaya pinapakwento ko lahat lahat sa kanya bago ako magsalita or magbigay ng advice. I’m not good at giving advice, really. Siya nga lang ang nabibigyan ko ng advice na sa tingin ko maayos at nakakatulong. Pero sa iba, nahihirapan ako magbigay ng advice. Siya kasi lagi niya akong naiintindihan kahit super labo o gulo na ng kwento ko. Pag nanghingi siya ng tulong tapos ang haba ng sinabi ko, kahit parang yung iba super random na, gets niya lagi yung point ko. At lagi kaming parehas ng nararamdaman. Kahit na yung iba sa mga pinagdadaanan niya, hindi ko pa naeencounter, pag may sinabi ako, pareho lang kami. Kaya nga parang kapatid ko to eh. Long lost sister. Hahahaha naalala ko tuloy nung elementary kami, sabi niya baka daw kapatid ko siya kasi lagi kaming parehas lagi. Great minds think alike. Hahahaha pero seryoso. Pag naiinis ako sa isang tao, may napapansin ako, may nagustuhan ako, basta lagi kaming parehas. Siya lang din nakakaintindi sa akin. Yung as ing, intinding intindi. Alam niya din kasi kung pano manggaspang at pano magseryoso. Basta. Pero hindi na kami ganon ka-tight unlike dati. Wala na siyang masyadong alam sa akin at ganon din ako sa kanya. Ngayon na nga lang ulit kami nagkausap eh. Heehee. Kagabi kasi nag-overnight siya dito. So yeah. Katext ko kasi siya ngayon kasi may problema siya. As usual, about sa boyfriend niya at family. Buti siya kapag may problem, may natatakbuhan. Ako kasi pag may problema, wala eh. Hindi din ako makalapit sa kanya and I don’t know why.

So yeah…..

Wala, namiss ko lang siya. Lesbog. Hahahaha pero onga. Ok bye

  1. seazhell posted this